-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagbalik-loob sa gobyerno ang tatlong komunista sa probinsya ng Cotabato.

Ang mga rebelde ay miyembro ng Guerilla Front 53, SRC3, SMRC ng New Peoples Army (NPA).

Sumuko ang mga NPA sa tropa ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion Philippine Army at i-prenisenta sa Lokal na Pamahalaang Bayan ng Matalam Cotabato.

Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang isang (1) M1 Garand Rifle, isang (1) Shotgun, isang (1) Uzi Submachine Gun, isang (1) M79 Grenade Launcher, dalawang (2) Hand Grenades at isang (1) Anti-personnel Mine at pormal naman itong tinanggap ni Matalam Mayor Oscar M. Valdevieso kasama si Vice-Mayor Ralph Ryan Rafael.

Nagpasyang sumuko ang tatlo dahil sa naranasang hirap at labis na pangamba sa kaligtasan ng kanilang mga pamilya.

Nais na rin ng mga rebelde na magbagong buhay at mamuhay ng mapayapa.

Nakatanggap rin ng inisyal na tulong mula sa LGU-Matalam ang mga NPA at pinoproseso na rin sila sa ilalim ng Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

Sinabi ni 90th IB Commander Lieutenant Colonel Rommel Mundala na lagging bukas ang kanilang tanggapan sa mga miyembro ng CPP-NPA-NDF na biktima ng maling ideolohiya na nagnanais magbalik-loob sa pamahalaan, magkaroon ng panibagong buhay at ng magandang kinabukasan kapiling ang kanilang pamilya at ng pamayanang kinabibilangan.