-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Tatlong mga myembro umano ng New People’s Army (NPA) ang nasawi at apat ang nasugatan sa panibagong sagupaan sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang mga napatay na sina Cesar Anding, Ruben Alaza at alyas Edmund,mga tauhan ng Guerilla Front 73 ng Far South Mindanao Region.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) DivisioncChief at Joint Task Force Central Commander M/Gen Juvymax Uy na habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng 5th Special Forces Battalion at 37th Infantry Battalion Philippine Army sa Barangay Datu Wasay Kalamansig Sultan Kudarat ay naka-engkwentro nito ang tinatayang 20 NPA.

Tumagal ng mahigit isang oras ang palitan ng putok sa magkabilang panig dahilan upang lumikas ang mga sibilyan.

Umatras ang mga rebelde na pasabugan sila ng mga sundalo gamit ang 81 mm mortar.

Narekober ng militar sa mga nasawing NPA ang mga matataas na uri ng armas,mga bala,magazine at mga pambasabog.

Matatandaan na mahigit 10 NPA ang nasawi sa air to ground assault ng militar sa Mount Lumuton Palimbang Sultan Kudarat.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng 603rd Brigade sa pamumuno ni Colonel Eduardo Gubat ang mga NPA sa bayan ng Kalamansig Sultan Kudarat.