-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nasawi ang tatlong miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTG) sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga otoridad at rebeldeng grupo sa Sitio Isuko, Brgy, Banali, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Ito ang kinumpirma ni LtCol. Dennis Almorato, tagapagsalita ng 6th ID, Philippine Army sa panayam ng Bombo Radyo Koronada. Ang mga nasawing miyembro ng CTG ay mula umano sa Teroristang grupo ng East Daguma front, South Regional Command (SRC), Far South Mindanao Region (FSMR).

Ayon kay Almorato, nangyari ang engkwentro sa pagitan ng Bravo Company 7th Infantry Battalion, Philippine Army at sa mga armadong rebelde na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong rebelde.

Samantala, Narekober naman sa pinangyarihan ng engkwentro ang tatlong M16 rifles, mga bala, grocery item, bandolier, battery, combat shoes at iba pang personal na kagamitan.

Agad naman dinala ng mga awtoridad ang mga labi ng naturang rebelde sa St. Peter Funeral Home, Brgy Malegdeg ng nasabing bayan.

Kaugnay nito, patuloy parin ang panawagan ng mga otoridad sa mga natitira pang mga miyembro ng teroristang grupo na magbalik-loob sa pamahalaan at huwag sayangin ang kanilang buhay sa walang saysay at maling ideolohiya na ipinaglalaban.

3 NPA, patay sa engkwentro sa Sultan Kudarat