Patay ang tatlong miyembro ng New Peoples Army (NPA) matapos makasagupa ang mga operating elements ng Philippine Army’s 79th Infantry (Masaligan) Battalion sa Sitio Banwa Minatay, Barangay Marcelo,Calatrava, Negros Occidental bandang alas-5:30 ng hapon kahapon.
Nakatanggap kasi ng impormasyon ang 79th IB kaugnay sa ginagawang pangingikil ng komunistang grupo sa mga sibilyan kaya agad naglunsad ng combat operations ang mga sundalo.
Ayon kay 79th IB Commanding officer Lt. Col. Emelito Thaddeus Logan, nagsasagawa ng security patrol ang mga sundalo ng makasagupa nito ang nasa 12 mga komunistang rebelde.
Tumagal ng 30 minutong ang labanan na nag resulta sa pagkamatay ng tatlong komunistang rebelde.
Narekober mula sa posisyon ng napasalang na NPA members ang ilang mga war materials kabilang ang isang AK47 rifle, 1 M16 rifile, pitong AK47 magazines na may live ammunitions, 5 M16 magazines with live ammunitions, apat na M14 magazines,tatlong Rifle grenades, dalawang handheld radios, backpacks, mga personal na gamit at mahahagalagang dokumento.
Kinumpirma naman ni Lt Col.Lofgan na isang sundalo ang sugatan sa nasabing labanan at nasa stable condition na ito ngayon.
“The recent encounter is a manifestation that the communities are tired with the extortion activities of the CPP-NPA Terrorist. They gave us reliable information on the exact location of the communist-terrorist organization which resulted to the successful neutralization of their members,†wika ni Lt. Col. Logan.
Hinimok naman ni Logan ang iba pang miyembro ng NPA na sumuko ng sa gayon maging bahagi ang mga ito sa Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno para sa pagsisimula ng panibagong buhay.