-- Advertisements --


BUTUAN CITY – Nasa punerarya na ang tatlong bangkay ng rebelding New People’s Army o NPA matapos ang sagupaan laban sa kasundaluhan kaninang alas 9:10 ng umaga buntag sa bukiring parte sa Barangay Kolambugan, Sibagat, Agusan del Sur.

Napag-alamang nagsasagawa ng combat operation ang mga sakop ng 65TH Infantry Battalion, Philippine Army sa nasabing lugar nang nakasagupa ang tinatayang 30 mga rebelde galing sa SYP 21A, Guerilia Front 21, SRC, ng North Eastern Mindano Regional Command na patuloy pang inaalam ang leader nito.

Matapos ang 20 minuto na bakbakan, walang natalang casualty sa panig ng gobyerno ngunit nang isinagawa ang clearing operation, natagpuan ang tatlong bangkay ng mga rebelde.

Narekober rin sa nasabing lugar ang tatlong M16 Rifle 7.62mm, at 6 na jungle packs na may lamang mga personal na kagamitan na nasa kustudiya sa 65TH Infantry Battalion, Philippine Army para sa tamang disposasyon.

Habang ipinaalam na rin ang Barangay Kapitan at ang munisipyo hinggil sa naturang mga bangkay para sa pagkakilanlan ng mga rebeldeng napatay.