BUTUAN CITY – Isa na namang tagumpay ang naitala ng pinag-isang pwersa ng 29th Infantry (Matatag) Battalion at 30th Infantry (Fight ‘on) Battalion matapos nilang ma-engkwentro ang Communist Terrorist Group na kinabibilangan ng SYP21C, WGF21 at Platoon Dao, Sub-Regional Sentro de Grabidad Westland na parehong nasa ilalim ng Sub-Regional Committee Westland, Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) sa Mt. Apo-Apo, Sitio Dugyaman, Brgy Anticala, nitong lungsod ng Butuan kahapon.
Dahil sa report ng mga residente kaugnay na sa pag-iikot ng mga armadong grupo sa bukiring bahagi ng nasabing lugar, kaagad na nag-deploy ng mga tauhan si LtCol. Cresencio Gargar, Commanding Officer ng 29IB bilang tugon sa ipina-abot na impormasyon ngmga concerned citizens.
Na-engkwentro ng kasundaluhan ang tinatayang 30 mga rebelde sa kanila mismong hideout at kaagad namang nag-request ng close air support ang tropa upang maiwasan ang posibleng casualty sa panig ng militar sa posibleng itinanim na mga anti-personnel mines ng mga kaaway.
Nagresulta ito sa pagkamatay ng tatlong mga rebeldeng patuloy pang kinikilala at pagkarekober ng 15 mga high powered firearms pati na ang mga terrorist documents na may high Intelligence value.