-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pang kinilala ang tatlong mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na napatay sa tropa ng 26th Infantry (Ever Onward) Battalion, 402nd Infantry (Stingers) Brigade, 4th Infantry (Diamond) Division, Philippine Army sa 5-minutong laban sa tinatayang pitong mga armadong rebelde sa inilunsad na military operations sa Sitio Damming Brgy. Zillovia, sa bayan ng Talacogon, Agusan del Sur kahapon ng alas-dos sa hapon.

Ito ay kinabibilangan ng dalawang mga lalaki at isang babaeng pinaniniwalaang mga miyembro ng SYP Platoon, Guerilla Front 88 ng North Central Mindanao Regional Committee.

Itu-turn over ng militar ang mga bangkay sa Municipal Police Station ng Talacogon para sa tamang disposisyon.

Narekober ng militar ang iba’t ibang armas at mga war paraphernalia na kinabibilangan ng tig-iisang M16 rifle, shotgun, at kalibre .38 na pistola, 2 hand grenades at anti-personnel mine at iba’t ibang uri ng mga bala.

Kasama din sa narekober ang limang mga cellphones, isang binocular, medical paraphernalia, 15 sets ng military battle dress uniform na may combat boots, personal nga mga gamit at mga subersibong dokumento.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, ilnihayag ni Major Francisco Garello Jr., Civil Military Operations (CMO) officer ng 402nd Brigade, Philippine Army, isinagawa ang nasabing operasyon dahil sa determinasyon ng kanilang tropa na nakatutok paghabol sa mga rebeldeng nag-operate sa kanilang area of responsibility.