CENTRAL MINDANAO – Nagbalik loob sa gobyerno ang tatlong mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Nakilala ang mga rebelde na sina alyas Dok, alyas CJ at alyas Mina na mga tauhan ng Platoon Madrid ng West Daguma Front, SRC Daguma ng South Mindanao Region.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division chief at Joint Task Force Central commander Maj. Gen. Roy Galido na sumuko ang tatlong NPA sa tropa ng 37th Infantry Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lt Col John Paul Baldomar sa Barangay Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat.
Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang dalawang M16 armalite rifles, mga bala at mga magasin.
Sumuko ang tatlong NPA dahil pagod na sila sa walang katuturan na pakikibaka laban sa pwersa ng pamahalaan at gusto na nilang magbagong buhay kasama ang mga mahal nilang pamilya.
Tumanggap rin ng inisyal na tulong ang tatlong NPA mula sa LGU-Lebak.
Hinikayat naman ni Gen Galido ang iba pang NPA na sumuko na habang hindi pa huli ang lahat mamuhay ng mapayapa.