CENTRAL MINDANAO-Nagbalik-loob sa gobyerno ang tatlong mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa probinsya ng Cotabato.
Ang mga rebelde ay kasapi ng Guerilla Front Committee 53 sa ilalim ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) na kumikilos sa bahagi ng North Cotabato,Bukidnon at mga hangganan ng Davao Del Sur at Davao City.
Ang tatlong NPA ay sumuko sa tropa ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Rommel Mundalo.
Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang tatlong matataas na uri ng armas,pampasabog,mga bala at mga magazine.
Pagod na umano ang mga rebelde sa pakikibaka laban sa gobyerno at gusto ng mamuhay ng mapayapa kasama ang kanilang mga mahal na pamilya.
I-prenesenta naman ni 602nd Brigade Commander Bregadier General Roberto Capulong ang mga NPA kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy at Cotabato Governor Nancy Catamco.
Hinikayat naman ni BGen Capulong ang mga NPA,BIFF at mga Armed Lawless Group na sumuko na at tutulungan sila ng pamahalaan para magbagong buhay.