-- Advertisements --
ILOILO CITY- Pina-deport mula sa Qtar ang tatlong Overseas Filipino Workers na myembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer.
Ayon kay Bombo Queny Gajete Parcon, Bombo international correspondent sa Qatar, nahuli ang tatlong mga gay Filipinos na may makeup umano habang nasa public place.
Sinabi ni Bombo Queny na kaagad na tumulong ang Overseas Workers Welfare Administration upang mapauwi sa Pilipinas ang nasabing mga Overseas Filipino Workers.
Napag-alaman na sa ilalim ng sharia law, mahigpit na ipinagbabawal sa Qatar ang male homosexuality at ito ay may karampatang parusa na hanggang tatlong taong pagkakabilanggo at parusang kamatayan para sa mga Muslim.