Patuloy pa rin ang mahigpit na paanyaya ni Manila Mayor Isko Moreno sa kaniyang mga mamamayan sa pagsasagawa ng pag-iingat laban sa coronavirus.
Kasunod ito ng pagpositibo ng COVID-19 ang tatlong opisyal ng lungsod.
Hindi naman binanggit ng alkalde kung sino-sino ang nasabing mga opisyal.
Maging siya at si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ay nag-iingat na rin dahil baka sila rin ay nakasalamuha ng mga nagpositibong opisyal.
Ang mga opisyal ay dalawa ang department heads at ang isa ay city councilor.
Magugunitang inilagay sa dalawang araw na lockdown ang 31 barangay sa nasabing lungsod para isagawa ang swab testing.
Mula noong kahapon ay maryoong 8,689 na residente ang sumailalim sa testing at 172 sa kanila ang nagpositibo.
Sa nasabing kaso ay 131 dito ay mula sa district 1 and 2 at karamihan sa mga dito ay dinala na sa pagamutan.