Kinumpirma ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) na kanila ng sinampahan ng kaso ang tatlong matataas na opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na umanoy sangkot sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.
Kabilang sa sinampahan ng kaso ng AKG ay sina dating NBI Deputy director Jose Yap, NBI-NCR director Ricardo Diaz at hepe ng NBI Task Force against Anti-illegal drugs chief Toel Bolivar.
Sinabi ni PNP-AKG Director SSupt. Glen Dumlao mismong si PSupt. Rafael Dumlao ang nagpangalan sa mga respondents na direkta umanong may partisipasyon sa Jee Ick Joo slay case.
Pahayag ni Col. Glen Dumlao na inisa-isa ni Rafael Dumlao ang mga partisipasyon ng tatlong matataas na opisyal ng NBI.
Una ng sinampahan ng kaso ng AKG sina SPO3 Ricky Sta Isabel, SPO4 Roy Villegas, PSupt Rafael Dumlao III, Ramon Yalung, Jerry Omlang at Gerardo Santiago na may-ari ng Gream Funeral Parlor.
Bukod sa mga kasong kidnapping for ransom at serious illegal detention with homicide na isinampa sa mga suspek sa Jee Ick Joo slay case, dinagdagan pa ng PNP-AKG ng kasong robbery, carnapping, falsification of public documents at obstruction of justice.
Kinumpirma ng PNP-AKG na nagsabwatan ang mga suspek para magawa ang krimen.
Tukoy na rin ngayon ng PNP ang mga umano’y mastermind sa krimen at lumabas na plano talagang patayin si Jee.