Tatlong opisyal mga ng Philippine Navy ang tumanggap ng kanilang mga bagong promosyon sa isinagawang donning ceremony na pinangasiwaan mismo ni Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo.
Ang mga bagong promote na opisyal ay sina Naval Forces Western Mindanao commander, Rear Adm. Toribio Adaci Jr. na tumanggap ng kanyang pangalawang star, sina 2nd Marine brigade commander, Col. Arturo Rojas at commander ng Offshore Combat Force (OCF), Navy Capt. Joe Anthony Orbe ay na promote din bilang mga one star general.
Si Rear Adm. Adaci ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Makatao” Class of 1989, habang si B/Gen. Rojas ay kabilang sa PMA “Bigkis-Lahi” Class of 1990, at mula naman sa PMA “Tanglaw-Diwa” Class of 1992 si Commodore Orbe.
Sa kanyang mensahe, pinuri ni Vice Admiral Bacordo ang tatlong opisyal sa kanilang “vision, maturity and professionalism” na kailangan sa lahat ng senior officers upang maisulong ang Team Navy tungo sa pagiging isang “modern and multi-capable naval defense institution.”
Ipinaalala ni Bacordo sa mga bagong promote na opisyal na ang ibig sabihin ng Estrella sa kanilang balikat ay “excellence” sa trabaho na patuloy na aasahan sa kanila.