-- Advertisements --

Sinibak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang tatlong personnel ng Office of Transport Security (OTS) dahil sa umanoy alegasyon ng “Tanim Bala”.

Ayon kay Dizon na epekto ang nasabing terminations ng nasabing mga personnels ngayong Marso 10, 2025.

Hindi na nito binanggit pa ang mga pangalan ng mga sinibak na mga tauhan ng OTS.

Nagbunsod ang kaso nitong Marso 6, kung saan ang 69-anyos na biktimang si Ruth Adel ay muntik ng hindi makaabot sa kaniyang flight patungong Vietnam.

Base sa reklamo ng biktima, nasa boarding gate na silang lapitan sila ng OTS personnel kung saan nakita nila ang isang “anting-anting” kung saan ikinagalit niya dahil sa dapat sa unang bahagi ng screening ay nakita na ang umanoy bala.

Sinabi ni Dizon na hindi nito kinokonsinte ang kahalintulad na mga gawain.