-- Advertisements --

Sisimulan sa mga piling pagamutan sa Metro Manila ang pagpapabakuna sa mga minor de edad.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje na mayroong tatlong pagamutan ang napili bilang pilot vaccination center.

Ito ay binubuo ng National Children’s Hospital sa Quezon City, Philippine Heart Center sa Quezon City rin at sa Philippine General Hospital sa Manila.

Dagdag pa nito na isinasapinil pa nila ang ilang pagamutan na posibleng lugar kung saan gaganapin ang pagpapabakuna sa mga menor de edad.

Mayroong 12.7 milyon ang bilang ng mga bata sa bansa na may edad 12 hanggang 17-anyos.

Paglilinaw naman nito na kanilang ipaprioridad na tuturukan ng COVID-19 vaccine ang mga mayroong comorbidities.

Kanila munang oobserbahan ang pagpapabakuna sa pagamutan bago ito palawigin sa mga vaccination sites.