-- Advertisements --

Muling nakapagtala ng tatlong pagbuga ng abo ang bulkang Kanlaon.

Itinuturing pa rin ito ng Phivolcs bilang mataas na aktibidad.

Sa nasabing mga pagbuga ng abo, tumagal ito ng hanggang 136 minuto.

Maliban dito, naka-detect din ng 24 volcanic earthquakes kabilang ang tatlong volcanic tremors.

Nasukat naman ang sulfur dioxide flux na 2,756 tonelada kada araw.

Ang steaming plume ay may taas na 150 metro na katamtaman base sa obserbasyon ng Phivolcs.

Wala namang patid na pagsingaw at may panaka-nakang pagbuga ng abo na napadpad sa timog-kanluran at kanluran-timog-kanlurang direksyon.

Naobserbahan din ang ground deformation na indikasyon ng posible pang mga aktibidad hanggang sa mga susunod na linggo o buwan.

Ang Mt. Kanlaon ay nasa alert level 3, kung saan bawal ang paglapit sa 6km permanent danger zone.