-- Advertisements --

Muling nakapagtala ng tatlong pagbuga ng abo sa Mt. Kanlaon.

Ayon sa Phivolcs, tumagal ito ng 17 hanggang 98 minuto.

Ang steam plumes ay may taas na 100 metro at bahagi ng pagsingaw at pagbuga ng abo.

Napadpad ito sa timog-kanlurang direksyon at posibleng magresulta sa ashfall.

Maliban dito, mayroon ding naranasang siyam na volcanic earthquake.

Nagkaroon din ng Sulfur Dioxide Flux na umaabot sa 3,385 tonelada kada araw.

Sa ngayon ay may naoobserbahan pa ring pamamaga ng bulkan habang ito ay nananatili sa alert level 3.

Sa ngayon, naglabas na ng abiso ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ukol sa maaaring bumagsak na abo, matapos ang panibagong volcanic activity.

“NDRRMC: (12:52 PM, 31Jan2025) Lahat ay pinag-iingat sa maaaring pagpatak ng abo na ibinuga ng Bulkang Kanlaon patungong timog-kanluran dakong 12:37 ng hapon.”

Ang ashfall ay mapanganib sa mga may respiratory conditions at maaari ring makaapekto sa mata at maging sa balat.