-- Advertisements --

Aabot sa tatlong pakete ng hinihinalaang cocaine ang narekober ng isang mangingisda kagabi sa karagatan ng Basco, Batanes, malapit sa Naidi Light House.

Sa report na inilabas ng Philippine National Police-Region 2, narekober ng nagngangalang Roger Gallo Gabotero, residente ng Barangay Kayhuvukan, ang tatlong pakete ng cocaine na nakasilid sa puting plastic, gayundin ang green foil na may markang Guanyinwang refined Chinese tea at Chinese characters markings, at isang vacuum-sealed plastic na letter A red markings.

Boluntaryong isinuko ng nasabing mangingisda sa Basco Police Station ang narekober na hinihinalaang cocaine.

Nakatakda namang i-turnover sa Philippine Drug Enforcement Agency-Region 2 ang kontrabando para isailalim sa laboratory examination.