-- Advertisements --
Tiwala pa rin ang mga Filipino performers na nakasama sa finals ng Asia’s Got Talent (AGT) na sila ay magwawagi.
Ang tatlo ang siyang pinalad na Filipino contestants na umabot sa finals kung saan makakatunggali nila ang anim na iba pa mula sa iba’t ibang bansa.
Iaanunsiyo ang mananalo sa Huwebes ng gabi.
Ang tatlong Filipino talents at groups na kasama sa finals ay ang acrobatic dancers na Power Duo na sina Ajha Portales at Jervin Minors, ang hip-hop dance group na Junio Good Vibes at “shadowgrapher” na Shadow Ace na si Galit.
Una nang hinangaan ng mga judges na sina Jay Park, Anggun at David Foster ang kanilang mga performances at maging ng mga audience sa Singapore.