-- Advertisements --
Tatlo pang panibagong mga Olympics personnel ang nagpositibo na naman sa COVID-19.
Ang panibagong tinamaan ng virus ay isang kawani at contractor.
Ang naturang pangyayari ay makaraang tatlo rin kahapon na pansamantalang namamalagi sa athletes village ang nagpositibo rin.
Kabilang sa nadagdag na personahe na nahawa ay nakabase sa Chiba habang ang ikatlong kaso ay isang journalist na dumating sa lugar.
Ang contractor naman ay nagmula sa Saitama.
Una nang kinumpirma ng organising committee ang panibagong mga kaso sa kanilang daily update ng COVID-19 list.
Sa ngayon ang kabuuan na tinamaan sa mga Games-related cases ay umaabot na sa 58.