-- Advertisements --

Tatlo pang phreatomagmatic bursts ang naitala sa Taal Volcano kahapon, ayon sa PHIVOLCS.

Base sa kanilang report na inilabas ngayong umaga, sinabi ng PHIVOLCS na base sa kanilang pagbabantay mula alas-5:00 ng umaga kahapon hanggang kaninang alas-5:00 rin ng umaga, nakapagtala ng phreatomagmatic burst bandang alas-9:30 ng umaga, alas-9:33 ng umaga at alas-9:46 ng umaga kahapon.

Walo namang volcanic earthquakes, kabilang na ang isang volcanic tremor, ang namataan sa paligid ng Taal na tumagal ng hanggang limang minuto.

Aabot namansa 4,273 tonelada ng sulfur dioxide ang pinakawalan nito.

Nagbabala ang ahensya sa mga possible hazards ngayong nananatili pa ring nakataas ang Alert Level 3 sa Taal, tulad na lamang ng posibleng biglaang explosive eruption, pyroclastic density currents o base surge, volcanic tsunami, ashfall, at accumation ng lethal volcanic gas.

Kabuuang 1,632 pamilya o 5,878 katao ang lumikas mula sa kanilang tahanan dahil sa pagalboroto ng Taal, ayon sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).