-- Advertisements --
Tuluyan nang inalis ng Pagasa ang pangalan ng tatlong bagyo sa listahan ng mga ginagamit nilang local names para sa mga tropical cyclones na pumapasok sa Philippine area of responsibility (PAR).
Kabilang sa mga tinanggal sa talaan ang pangalang “Ompong, Rosita at Usman.”
Lumalabas na ang bagyong Ompong kasi ay nag-iwan ng P15 billion na halaga ng pinsala sa agrikultura sa Northern Luzon, P2.6 billion naman dahil sa typhoon Rosita at P4.2 billion dahil sa bagyong Usman.
Nabatid na ang mga pangalan ng sama ng panahon ay inuulit-ult lamang ng Pagasa tuwing apat na taon.