-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Tatlong panibagong nag-positibo sa COVID-19 ang naitala nitong araw ng Linggo, October 18, 2020 sa Cauayan City

Una ay si patient CV2446, babae, 29 anyos, may-asawa at residente ng Barangay District III, Cauayan City, isang Nurse at Disease Surveillance Officer ng Department of Health na nakatalaga sa City Health Office.

Nagkaroon siya ng sipon noong October 12, 2020.

Bilang protocol, isinailalim siya sa triage at kinuhanan ng sample noong October 16, 2020 at ngayong araw ay lumabas ang resulta na siya ay positibo sa virus.

Inaalam pa kung saan niya maaaring nakuha ang virus ngunit sa initial assessment ng City Health Office ay maaari niyang nakuha ang virus habang isinasagawa ang kaniyang tungkulin bilang isang disease surveillance officer.

Pangalawa ay si patient CV2447, lalaki, 32 anyos, siya ay asawa ni CV2446.

Tulad ni CV2446, siya ay nagkaroon din ng sipon noong October 12, 2020 at kinuhanan ng sample noong October 16, 2020.

Pangatlo po ay si CV2448, babae, 55 anyos, may-asawa at residente ng Barangay District I, Cauayan City.

Siya ay ina ng nagpositibong si patient CV2271.

Siya ay nagkaroon ng sipon noong October 13, 2020 at kinuhanan ng sample noong October 16, 2020.

Ang tatlong COVID positive ay nasa pangangalaga na ng LGU quarantine facility.

Umakyat na sa 37 ang active cases ng COVID-19 sa Cauayan City.