Inaprubahan sa third and final reading ng House of Representatives ang ilang panukalang batas na may kinalaman sa halalan.
Nakakuha ng 215-0-0 ang House Bill 9785 o kilalang Act Strengthening the Commission on Elections.
Ang nasabing panukalang batas ay matiyak ang integridad at pagiging independence ng Comelec sa pamamagitan ng pagpalakas ng kanilang field offices.
Isa ring inaprubahan ay ang House Bill 9562 o ang early voting para sa mga kuwalipikadong senior citizens at persons with disabilities sa national at local elections.
Pasado ang House Bill 9557 na nagbibigay ng multa sa mga nuisance candidate.
May multa ng hindi bababa sa P100,000 ang gagawing katawa-tawa ang nasabing halalan.
Ang nasabing mga panukalang batas ay ipapasa sa senado bag dalhin sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte.