-- Advertisements --

Napili ni Pope Francis ang tatlong paring Filipino bilang “Chaplains to His Holiness”.

Kinabibilangan ito nina Diocese of Borongan sa Eastern Samar na si Rev. Msgr. Lope Robredillo, na siyang kasalukuyang vicar general; Rev. Msgr. Eutiquio “Euly” Belizar, namumuno ng diocese’s Commission on Doctrine of the Faith at si Rev. Msgr. Romeo Solidon, na nagsisilbi sa Cathedral Parish of the Nativity of Our Lady sa Borongan Samar.

Dahil dito ay tatawagan na ang nasabing tatlong pari bilang “monsignor” isang pontifcial honor sa mga napipili bilang “Chaplain of His Holiness”.

Sa ilalim kasi ni Pope Paul VI ay mayroong tatlong klase ng monsignor ito ay ang Protonary Apostolic, Honorary Prelate at Chaplain of Holiness.

Itinuturing na ngayon bilang bahagi na ng papal household ang nasabing mga pari.

Noong 2014 ng umupo si Pope Francis bilang bahagi ng kaniyang pagbawas ng clericatism sa Simbahang Katolika ay tinanggal niya ang dalawang klase at iniwan lamang ang Chaplain of His Holiness.

Ang mga maari lamang na matawag ng nasabing posisyon ay yung mga pari na may edad 65 pataas na nagsilbi ng hindi matatawarang seribisyo sa simbahan.