DAVAO CITY – Tumaas pa sa 444 na mga indibidwal ang apektado sa outbreak sa diarrhea ng Barangay Tulalian Santo Tomas Davao del Norte.
Ayon sa Municipal Health Office (MHO) posibleng madagdagan pa ang nasabing bilang dahil hindi pa kabilang dito ang mga apektadong pasyente na naitala.
Sa kasalukuyan, isa ang naitalang namatay habang ilang mga residente ang nananatili pa rin sa Hospital.
Habang nasa 99 na mga pasyente ang isinailalim sa RT-PCR swab test at lumalabas na tatlo sa mga ito ay nagpositibo sa Covid-19 habang 17 mga pasyente ang isinailalim sa rectal swab, walo sa mga ito ay nagpositibo sa cholera.
Agad na dinala sa isolation facility ang tatlong mga pasyente kung saan sa nasabing bilang, isa nito ang symptomatic habang dalawa ang asymptomatic.
Sa kasalukuyan, hindi na nadagdagan pa ang mga indibidwal na na-admit sa hospital.