-- Advertisements --
Patay ang tatlong pasyente sa Lahore, Pakistan matapos na lusubin ng grupo ng mga abugado ang nasabing pagamutan.
Nagkaroon ng alitan ang mga abugado at doctor kung saan kinuha pa ng mga abogado ang mga kagamitan ng pagamutan.
Dahil sa pangyayari ay nagtago ang mga doktor at iniwang nakatiwangwang ang mga pasyente.
Natigil lamang ang kaguluhan ng dumating ang mga kapulisan at gumamit pa sila ng tear gas.