LA UNION – Dead on Arrival sa pagamutan ang tatlong menor de edad habang kasalukuyang ginagamot ang isa pa matapos silang tamaan ng kidlat habang naliligo sa dagat ng Brgy. Lingsat, siyudad ng San Fernando, La Union nitong Sabado ng gabi.
Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay PLt. Col. Orly Pagaduan, hepe ng San Fernando City Police Station, kabilang sa mga namatay ay ang magkapatid na Ivan Eunicer Apayyo, 18; at Tristan Apayyo, 15; at ang kanilang pinsan na si Rhian De Guzman, 17; habang patuloy na ginagamot ang isa pa na si Patrick De Guzman, 21.
Una rito, masayang lumalangoy umano ang mga ito sa dagat nang tamaan ng kidlat habang nasa kasagsagan ng malakas na ulan.
Napag-alam na halos malapnos ang balat ng mga biktima sa lakas ng kuryente ng kidlat.
Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nangyari.