-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy a ginagamot sa ospital ang 12 kataong nasugatan matapos maaksidente ang sinasakyang pampasaherong jeep sa Barangay Rombang, Belison, Antique.

Napag-alaman na dead on the spot ang konduktor ng jeep na nagngangalang Jay Marvin Leona, 27-anyos ng Bugasong, Antique; at dalawang pasahero na sina Elma Lorenzo ng Sabang West, Bugasong, Antique; at Glenn Adenic, 46, ng San Mateo, Rizal.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Lt. Haidee Sobrino, officer-in-charge ng Belison Municipal Police Station, sinabi nito na nag-overtake ang jeep na may rutang Bugasong-San Jose vice versa sa isa pang jeep.

Dito nakasalubong nito ang paparating na motorsiklo.

Sinubukan ng driver na iwasan ang motorsiklo ngunit nawalan ito ng kontrol sa manibela at bumangga ito sa poste.