Patay ang tatlong katao na sakay sa dalawang motorsiklo habang 15 mga pasahero ng jeep galing sa isang ‘beach outing’ ang nagtamo ng sugat sa Ternate, Cavite.
Ito ay matapos araruhin ng tumaob na jeep ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng Cayapas Bridge sa Barangay Sapang II, Ternate Cavite.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nag overtake umano ito sa isang kotse at nawalan ng kontrol kung kaya’t bumaliktad ito at nabangga sa paparating na dalawang motorsiklo.
Dead on the spot na ang biktima na si Staff Sergeant Gerlyn Nicolas 38 anyos na miyembro ng Philippine Marines bukod pa ang nakasakay sa isang motorsiklo na kinilalang si alyas “Teng”, 40 taong gulang na residente sa nasabing lalawigan.
Samantala, nasawi naman habang ginagamot sa isang ospital ang isa pang rider na si alyas “Gabriel”, 54-anyos na nakatira Brgy. Pinagsanjan, Maragondon, Cavite.
Hindi rin bababa sa 15 na mga pasahero ang sugatan kabilang na ang drayber ng pampasaherong jeep na si always “Justin” na dinala rin sa ospital upang magamot.
Dahil sa nangyari at mga pinsala dulot niya, haharap ang nasabing driver sa patong-patong na reklamong reckless imprudence resulting in multiple homicides at damage to property.