ROXAS CITY – Patay ang tatlong indibidwal habang kritikal naman ang kondisyon ng 2 matapos mabangga ng pick up na sasakyan ang sinusundang tatlong motorsiklo sa Arnaldo Blvd, Roxas City.
Kinilala ang mga napatay na sina Joshua Doronio, driver, 18-taong gulang, Cedric Andrei Baes, driver at backrider nito na si Justine Villareña pawang 16 taong gulang.
Habang ang mga kritikal ang kinilala na sina Joshua Albert Lanado, 19 taong gulang at Joshua Burata, 17 taong gulang.
Base sa imbestigasyon ng Roxas Component City Police Station, habang tinatahak ng magkaibigan ang daan mula Barangay Baybay patungo sa Roxas City Proper ng biglang na lang itong mabangga ng sumusunod na pick up na minanameho ni Jerex Diawara, 30 taong gulang at residente ng Katipunan Village, Barangay Lawaan.
Napag-alaman na unang nabangga ni Diawara ang motorsiklo ni Baes at backrider nito na si Villareña, sunod ang motorsiklo ni Doronio at ang panghuling nabangga yung motorsiklo ni Lanado at Burata.
Di umano’y nakaladkad pa ang mga ito ng sasakyan.
Dahil sa impact, nagtamo ng sugat ang mga biktima sa iba’t-ibang parte ng katawan na nagresulta sa pagkamatay nila Doronio, Baes at Villareña.
Habang patuloy naman ginagamot sa ospital sina Lanado at Burata.
Napag-alaman, lasing ang driver ng sasakyan ng mangyari ang insidente.
Sa ngayon, naka-kustodiya na si Diawara sa Roxas City PNP habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ukol sa insidente.