-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nauwi sa trahedya ang isang masayang family reunion matapos namatay sa pagkalunod ang tatlo magpinsan at dalawa ang naka-survive sa Panaon, Misamis Occidental

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Staff Sgt. Clyde Cabania,, inihayag nitong nangyari ang trahedya sa isang malaki at kilalang beach resort ng Panaon kung saan tinangay ng alon ang limang magpinsan at humantong sa kanilang pagkalunod.

Kabilang sa namatay ay kinilalang sina Dave Paul Andos, 6; Christy Ann Laride, 17, at Lexter John Ongcol, 18.

Nailigtas naman ng mga life guards ang dalawang bata na sina Mersal Laride, 9; at Bea Bolanios, 15, n kapwa nagpapagaling sa Jimenez Medicare Community Hospital.

Inamin ng mga survivors na tinangka nilang isalba ang kanilang pinsan na si Dave Mark nang kumalas ito sa kanyang pagkapit sa salbadida.