-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Napatay nang pinag-isang operasyon ng pulisya at militar ang tatlo sa walong miyembro ng organized illegal drug group na kumikilos sa mabundok na bahagi ng Bacolod, Lanao del Norte.

Ito ay matapos nakipag-barilan sa mga otoridad sina Ali Ampaso, Jamel Aminoden at Gona Balowa habang tinangka sila na arestuhin ng joint police at military personnel nang ikinasa ang anti-drug buy bust operation sa Barangay Demarao sa nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Lanao del Norte Provincial Police Office spokesperson Maj Salman Saad na matagal nang pina-project nila ang nasabing grupo hanggang umaabot ang magandang timing para mapalibutan ang pinagtaguan na lugar ng mga suspek.

Naaresto rin sina Saide,22; Renandang, 65; Abdulrahim Demate at isang high value target na si Demarao Barangay Kagawad Sabania Macatimbal at nakatakas naman si Nashrodin Luksudatu na lahat residente sa lugar.

Inihayag ni Saad na nagpapatuloy pa ang ginawa na imbentaryo ng kanilang mga kasamahan sa mga baril mula sa mga suspek at ang ibang mga ebedensiya na narekober sa crime scene.