-- Advertisements --

Iloilo – Patay ang tatlo katao habang sugatan naman ang apat na indibidwal matapos ang nangyaring vehicular accident sa Barangay Lopez Vito, San Joaquin, Iloilo.

Ang tatlong namatay ay sina Nomeriano Baroa, driver ng Canter truck, at residente ng Panay, Capiz; Philip Amores, 43, residente ng Roxas City, Capiz; at Guilbert Babas.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Lt. Dionisio Estacio, hepe ng San Joaquin Municipal Police Station, sinabi nito na galing ng probinsya ng Antique ang canter truck na lulan ng mga biktima.

Nawalan ng preno ang canter truck kung kaya’t nabangga nito ang sinusundang dump truck.

Dinala pa sa pagamutan ang mga biktima ngunit binawian din ng buhay ang tatlong indibidwal.

Sa ngayon nag papatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.