-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Dead on the spot ang tatlong katao at siyam ang sugatan matapos bumaligtad ang sinasakyan nilang van sa Sitio Lonog, Brgy. Mabaca Tanudan, Kalinga kahapon.

Nakilala ang mga namatay na sina Marcelina Sapon, Crisensia Cayangao, at Roderick Sucliyao.

Sugatan naman sina James Ballay Abuwak, Leonida Abuwac Puctiyao, Ariane Kathlyn M Dalanao, Hubert Abuwac, Francisca Dangpason Addagan, Fernando Salvador Ducasao, Nathaniel Dalanao Jr. at Ralyn Lugao Dao-ayan.

Ayon sa imbestigasyon ng Tanudan MPS, nanggaling ang sinakyan nilang van na minamaneho ni Jay-ar Salvador Ducasao sa Sitio Dumanay, Babbanoy Tanudan at papunta sila sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Habang binabagtas ng van ang kurbang parte ng kalsada ay biglan nawalan ito ng preno hanggang sa naibangga ito sa isang bakod at bumaligtad.

Agad namang dinala ang mga biktima sa Kalinga Provincial Hospital (KPH), Almora General Hospital, habang ang iba ay dinala rin sa Cagayan Valley Medical Hospital (CVMC).

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang iba pang mga rason sa nasabing aksidente.