CENTRAL MINDANAO – Nagsilikas ang mga sibilyan sa sumiklab na engkwentro nang magkaaway na pamilya sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon kay Maguindanao police provincial director Colonel Donald Madamba na nagkasagupa ang dalawang armadong pamilya sa Barangay Nabundas, Datu Montawal, Maguindanao.
Dahil sa tindi nang palitan ng bala sa magkabilang panig ay lumikas ang mga sibilyan patungo sa mga ligtas na lugar.
Humupa lamang ang engkwentro nang dumating ang tropa ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion Philippine Army at Datu Montawal PNP.
Tatlo ang napaulat na nasawi at lima ang nasugatan sa barilan ng magkaribal na pamilya na may matagal ng alitan sa lupa na kanilang sinasaka.
Myembro umano ng isang Moro fronts ang magkaaway na pamilya kaya armado ng matataas na uri ng armas.
Nakatakda namang mamahagi ng tulong sa mga bakwit ang LGU-Datu Montawal sa pamumuno ni Mayor Datu Ohto Montawal at pupulungin rin nito ang nag-aaway na pamilya katuwang ang military,pulisya at MILF para resulbahin ang kanilang away sa mapayapang negosasyon.