NAGA CITY – Patay ang tatlong katao matapos ang nangyaring pag-aaway ng magkakapamilya sa Brgy. Beberon, San Fernando, Camarines Sur.
Kinilala ang mga biktima na si Miral Rentoria, Alexander Rentoria at Noel Rentoria.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) napag-alaman na itinuturonng away sa lupa ang pinag-ugatan ng nangyaring krimen.
Nabatid na kinilala ang mga suspek na sina Lauro Rentoria at Larry Rentoria, kung saan pinagbabaril at pinagtataga umano ng mga ito ang mga biktima.
Matapos ang nangyaring krimen ay agad naman daw nakatakas ang mga suspek.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang pangyayari, habang pinaghahanap na rin ang mga suspek.