-- Advertisements --
LAOAG CITY – Itinuturing ng gobyerno ng Italya na kritikal ang sitwasyon matapos maitala ang tatlong patay dahil sa Coronavirus Disease (COVID)-19.
Ito ang sinabi ni Bombo International Correspondent Demetrio Rafanan, Overseas Filipino Worker sa Roma at tubong Sta. Catalina Ilocos Sur.
Sinabi niya na plano ring isara ng gobyerno ang ilang pampublikong lugar at ilang paaralan simula bukas sa Roma.
Ito ay dahil din sa mahigit 110 ang naitalang kaso ng COVID-19.
Dagdag ni Rafanan, nakahanda naman sila na sundin ang anumang abiso ng Italian Government.