-- Advertisements --
Nakapagtala ng tatlong patay sa Calabarzon (Region 4-A) sa pananalasa ng bagyong Paeng.
Nasa mahigit 80,000 namang residente ang naapektuhan ng sama ng panahon na nasa evacuation center.
Ayon kay Noveleta Mayor Dino Reyes Chua, sa dalawang patay sa kanyang munisipalidad isa ang namatay sa heart attack at ang isa ay nadulas at nagtamo ng matinding tama sa ulo.
Sinabi naman ni Cavite Governor Jonvic Remulla na ang ikatlong namatay ay dahil sa electrocution.
Nasa 10,101 na residente ng Cavite o nasa 2,959 na pamilya ang sapilitang inilikas bilang paghahanda sa naturang bagyo.
Dahil sa bagyo, nasa 33 areas sa Noveleta, Imus, Kawit, Bacoor at Rosario ang nabaha.