DAVAO CITY – Tatlo katao ang patay habang apat naman ang patuloy pang ginagamot matapos makaranas ng diarrhea sa Purok 10 Sitio Balon, Brgy Tigatto, lungsod ng Davao.
Isa sa mga namatay ay ang purok leader mismo sa naturang lugar na si Eduardo Edica, 61, at ang mga pamangkin nito na sina Jesus Olarte, 47, at Jemvie Rafallo, 31, pawang mga residente ng naturang lugar.
Inihayag ni Zafero Vernon Mellana, sanitary inspector ng Davao City Health Office malapit lamang sa CR at kulungan ng baboy ang dalawang balon at isang poso ng tubig na siyang posibleng dahilan ng water contamination.
Samantala, ayaw namang maniwala ni Rosa Edico, asawa ng namatay na purok leader na tubig sa balon at poso ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang asawa.
Sinabi nito na malaki ang kanyang paniniwala na posibleng nilason ang mga biktima.
Ikinatwiran nito na iisa lamang ang water source ng mga residente pero bakit ang kanilang pamilya lamang ang naging biktima.
Sa ngayon hinihintay pa ang magiging resulta ng water samples upang makumpirma ang totoong dahilan ng naturang pangyayari.
Kaagad namang ipinagbawal ng barangay na gamitin ng mga residente ang naturang mga water source upang maiwasan na madagdagan pa ang mga biktim