DAVAO CITY – Patay ang dalawang pulis matapos itong rumisponde sa isang kagulohan sa Purok 4, Brgy. Lacson, Calinan, bandang alas kwatro ng hapon.
Kinilala ang mga biktima na sila PCMS Tito Didal Lague, at si PCPL Mark Anthony Elman Corsino.
Samantala patay rin ang isa sa mga suspek na kinilalang si Benao Maanib Landas , at nahuli naman ang kasama nito na si Rico Masacay.
Base sa iginawang imbestigasyon ng mga otoridad, rumisponde lamang ang nasabing mga pulis pagkatapos nakatanggap ang Calinan Police Station ng tawag galin sa isang Jericha Gubat Isod, na may nangyari kaguluhan sa nasabing lugar.
Agad namang nirespondihan ito ni PCPL. Corsino sakay ang Mobile J51 kasama ang driver na si Donald Ombrete at Auxillary Police na si Richard Mindoza.
Base sa report, humingi din ng back up si Cpl. Corsino, dahilan na rumisponde si PCMS. Lague at CPL Gumanoy sakay ang mobile 97.
Unang dumating sa lugar si Corsino kasama ang Auxillary at nilapit nito si Angelito Maanib Landas, ama ni Benao Maanib Landas , isa sa mga suspek na pumatay kay PCpl Corsino.
Sinubukan pa ni Cpl. Corsino na pakalmahin ang suspek sa tulong ng kanyang ama, ngunit nagmatigas ito at inatake ang nasabing pulis gamit ang dala nitong itak rason ng kamatayan nito.
Inatake din nito ang driver na si Ombrete gamit ang itak sa ulo nito at nakatakbo ito.
Pagkatapos sa nangyaring insidente, kinuha umano ni Rico Masacay ang armas ni Pcpl. Corsino at binaril nito ang biktima.
Samantala, dumating agad sa crime scene ang back up mobile sakay nito si PCMS. Lague, ngunit agad itong binaril ng suspek, ngunit nagantihan pa ito ni Lague at hinabol ang suspek na si Landas papunta sa isang compound dala ang itak at armas.
Napatay ni Lague si Landas ngunit hindi nito namalayan na nasalikod nito si Rico Masacay at itinaga sa ulo si Lague rason ng kanyang kamatayan.
Nasalbar pa ni CPL Gumanoy ang kanyang sarili matapos siya nanaman ang aatakihin.
Nakuha mula sa crime scene ang K2CI Riffle , 13 live ammos. Galil Ace, isang magazine na merong (4) live ammos at dalawang jungle bolo o itak.