-- Advertisements --
Australian Bushfire
Australian fire/ NSWFD twitter image

Pumalo na sa tatlong katao ang patay habang halos 50 naman ang sugatan sa naganap na wildfires sa east coast Australia.

Nagtala rin ang mga opisyals ng 150 kabahayan na nasira sa New South Wales.

Umabot na sa mahigit 1,500 na mga bumbero ang nagsama-sama para malabanan ang mahigit 70 na sunog sa nabanggit na lugar.

Inilikas na rin ang ilang daang residente na naninirahan sa border ng Queensland at Forster.

Patuloy ang pagbibigay paalala ni Prime Minister Scott Morrison sa kanilang mga mamamayan na asahan ang mas maraming sunog na magaganap.