-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Tatlo ang nasawi nang araruhin ng isang Montero sports ang isang motorsiklo at traysikad sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga nasawi na sina Daud Asnan, 30, at Abdillah Ali, 60, may asawa at mga residente ng Brgy Gang, Sultan Kudarat sa Maguindanao.

Patay rin ang isang sundalo na kinilalang si S/Sgt Arlan Rosete.

Ayon kay Maguindanao police provincial director Colonel Arnold Santiago na inararo ng Montero ang kasalubong nitong traysikad at motorsiklo nang mag-overtake sa isang van sa Brgy Macabiso, Sultan Mastura, Maguindanao.

Dahil sa tindi nang pagkabangga nagkayupi-yupi ang motorsiklo at traysikad habang nagkalasog-lasog naman ang katawan ng mga biktima na on the spot na binawian ng buhay.

Agad namang sumuko sa pulisya ang driver ng SUV na nakilalang si Minandang Sendad.

Sa ngayon ay nakapiit na sa custodial facility sa Sultan Mastura, Maguindanao si Sendad at nakatakdang sampahan ng kaso.