-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao sa Guinea matapos dapuan ng Ebola virus.
Ito ang unang pagkakataon na naitala ng bansa mula noong 2016.
Bukod sa mga nasawi ay mayroong limang iba pa ang inoobserbahan matapos magpositibo sa nasabing virus.
Nakaranas ng pagsusuka, pagdurugo at abnormal na pagdumi ang mga biktima matapos dumalo sa libing.
Sinasabing galing ang Ebola sa pamamagitan ng pagkakaroon ng close contact sa mga may sakit na hayop gaya ng chimpanzees, fruit bats at forest antelope.
Nahahawaan lamang ang mga tao sa pamamagitan ng direct contact sa positibo sa nasabing virus.