-- Advertisements --

CENTRAL Mindanao – Tatlong katao ang nasawi nang maligo sila sa ilog sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga biktima na sina Esmail Banto, Darwin Alagano at isang alyas Toks.

Ayon sa ulat ng Pikit PNP na naligo umano ang mga biktima sa ilog sa Barangay Inug-ug, Pikit, Cotabato sa kasagsagan ng ulan.

Napunta umano ang mga biktima sa malalim na bahagi ng ilog at malakas ang daloy ng tubig baha kaya sila ay nalunod.

Nakuha na ang bangkay ni Banto ng MDRRMO-Rescuer ng bayan ng Pikit sa pamumuno ni Tahira Kalantongan habang pinaghahanap pa ang kanyang mga kasamahan.