-- Advertisements --
Pikit North Cotabato
Pikit North Cotabato

CENTRAL MINDANAO – Tatlo ang binawian ng buhay sa pananambang ng mga armadong grupo sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga nasawi na sina Mohamed Ahad alyas Sito, Maan Pananggilan at Unday Abdulkadir, mga residente ng Brgy Rajamuda, Pikit, North Cotabato.

Ayon kay Pikit chief of police, Captain Mautin Pangandigan, habang sakay ang mga biktima sa isang motorsiklo sa Sitio Dingaya, Brgy Bulol, Pikit, Cotabato ay bigla itong tinambangan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan gamit ang M14 at M16 armalite rifles.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.

Patay on the spot ang mga biktima nang magtamo sila ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaril sa mga biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.