Patay ang tatlong sakay ng motorsiklo habang sugatan naman ang isang angkas sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa Tuguegarao City noong Sabado ng gabi.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jinky Rein, 29-anyos, at ang kanyang backrider na si Inocensio Rein, 61-anyos, kapwa residente sa Brgy Gosi Norte at Severino Tumbali, 30-anyos ng Brgy Dodan, PeƱablanca habang sugatan naman ang ankas nito na si Darrio Martinez, 21-anyos ng Brgy Bacagan, Baggao.
Ayon kay PLT Rosemarie Taguiam, tagapagsalita ng PNP Tuguegarao na dakong alas 7:35 ng gabi ay magkasalungat na binabaybay ng dalawang motorsiklo ang kahabaan ng pambansang lansangan at nang makarating sa Brgy Larion Alto ay biglang umagaw sa linya ang motorsiklong minaneho ni Tumbali na dahilan ng pagsalpok nito sa kasalubong na motorsiklo na minaneho ng babaeng rider.
Posible umanong kapwa mabilis ang patakbo ng dalawang driver sa kanilang motorsiklo dahil sa lakas ng pagkakabangga kung saan tumilapon sa kalsada ang mga sakay ng motorsiklo na naging sanhi ng pagkasawi ng mga ito habang ligtas na sa tiyak na kapahamakan si Martinez.
Samantala, sinabi ni Taguiam na positibo sa nakalalasing na inumin sina Tumbali at Martinez nang maganap ang aksidente.