-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao matapos ang banggaan ng eroplano at helicopter sa Nepal.
Nagmamane-obra ang eroplano sa runway ng tumama ito sa isang nakaparadang helicopter sa Lukla Airport.
Maiksi lamang ang runway at ito ay pinapaligiran ng mga bundok kaya pahirap sa mga piloto ang pagpapalipad.
Kinabibilangan ng piloto ng eroplano at dalawang police na nakatayo malapit sa helicopter ang namatay.
Ang dalawang eroplano ay galing sa iisang kumpanya na nagdadala ng mga turista na umaakyat sa sikat na Mount Everest.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente.
Itinuturing na isang napakadelikadong airport ang Lukla dahil noong 2008 ay 18 katao na ang namatay ng subukang lumapag ang eroplano.