-- Advertisements --

CEBU CITY — Inaalam na ng pulisya ang koneksyon sa bigtime drug group ng tatlong suspect na napatay sa isang buy bust operations sa Cenu.

Ayon kay Mandaue City PNP director Col. Jonathan Abella, sumailalim sa isang buwan na surveillance ang tatlong nasawi, kabilang na ang subject na si Prince Gem Mapalom.

Batay sa ulat, nanlaban ang mga salarin nang mabatid na pulis ang kapalitan sa transaksyon.

Dead on the spot ang dalawa sa mga ito habang hindi na umabot sa pagamutan ang isa pa.

Nasabat sa operasyon ang 11-kilo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P74-milyon; mga armas gaya ng revolver, calibre-.45 na pistol, KG-9 at derringer handguns.

Dumepensa naman ang kapatid ng target na si Prudel James Mapalom at sinabing wala itong kinalaman sa insidente.