-- Advertisements --

CEBU – Patay ang dalawang katao nang maaksidente ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa North Reclamation Area sa Barangay Mabolo, Cebu City noong Sabado ng gabi, Oktubre 1, 2022.

Dead on the spot ang driver na si Reneir Paparacio, 23-anyos na residente ng Sitio Suran, Barangay Quiot, habang namatay naman ang pasahero nitong si Janice Mae Respeto Jaspe, 34, makalipas ang ilang oras sa ospital.

Sinabi ni Corporal Rosaleo Lauron, traffic investigator ng Mabolo Police Station, mabilis ang pagpapatakbo at tinangka ni Paparacio na malagpasan ang green light sa kanto ng Juan Luna Avenue at Serging Osmeña Boulevard ngunit nabigo ito.

Bigla umanong nagbreak ang driver dahilan na na outbalance ito at sumalpok sa center island ng karsad dahilan upang sila ay tumilapon sa sinasakyang motorsiklo.

Patungo umano sa Mandaue City ang mga biktima.

Sa kabilang banda, patay ang isang indibidwal samantala isa ang sa road accident sa southern Cebu.

Agad na nasawi ang isang babaeng sakay ng motorsiklo habang sugatan naman ang kanyang kasamang driver matapos silang masagasaan ng 14-wheeler truck sa Brgy. Sangat, bayan ng San Fernando.

Kinilala ang biktima na agad na namatay na si Charlyn Jabolin, 23, dalaga, taga Brgy. Casapa, Jiabong, Samar habang sugatan at iniulat na ligtas sa ospital na kinilalang si Rodelyn Joy Jabonita, 25, dalaga, driver ng Suzuki motorcycle, mula sa Bayawan, Negros Oriental.

Agad namang ikinulong si Francisco Panugaling Oca Jr., 41, binata, dump truck driver, mula sa Lapasan, Cagayan de Oro City.